Biyernes, Hulyo 20, 2012

GAWAING ONLINE ALL THE WAY FROM MOA.Hehe

PANUTO: MAGPOST NG ISA LAMANG NA PINAKAMAHABANG SALITA SA FILIPINO NA WALANG PANLAPI. TAKE NOTE: WALANG PANLAPI ISA LAMANG. MAG-ISIP-ISIP. READY ONE TWO THREE GO!!!!
(SARAP TALAGA SA MOA GUMALA. NAKAKAPAGOD. PERO DAMI WI-FI. ALLL FREE) AKO NA!!!! WITH MY FAMILY HERE

Miyerkules, Hulyo 18, 2012

WALANG SUGAT ni Severino Reyes

Narito ang link ng akdang Walang Sugat ni Severino Reyes. I-klik lamang ito.
Quiz natin bukas tungkol dito at sa Sosyolohikal na Teorya kasama ang Sarswela. Gudlak!

Walang Sugat ni Severino Reyes
Gawain sa Teoryang Sosyolohikal











  








Martes, Hulyo 17, 2012

GAWAING ONLAYN

1. SINO SI HUSENG BATUTE?
2. SINO SI HUSENG SISIW?

ISULAT ANG SAGOT SA KOMENTO AT IPOST. KUNG MAY NAGPOST NA NG KATULAD NA SAGOT, MAGKOMENTO NA LANG NG "SAYANG" O KUNG ANUMANG KOMENTO. HEHE



- SIR HERNAN

NARITO ANG VIDEO PRESENTATION NINYO SA BABANG LUKSA

PANGKAT 2

LIDER: SHEENA MAE TAGABE

Lunes, Hulyo 16, 2012

TIPAK NG YELO SA DISYERTO ni Jayson Gerald Abrencillo


                Narito na. Nararamdaman ko na ang ihip niya. Ang malamig na hangin ay unti-unting gumagapang at yumayakap sa aking katawan. Umaga na ba? Oo, alam kong umaga na. Ngunit nasaan ka? Gusto kong bumangon upang hanapin ka. Pero bakit ako nanghihina? Hindi ako makagalaw at tila ang katawan ko’y pagod na pagod pa.
                Bumuwelo ako. Umupo at akmang tatayo. Wala akong naririnig, ni yabag ay wala akong maulinigan. Nabibingi nab a ako?
                Nabibingi ako sa katahimikan. Tinig at yabag ko lamang ang umaalingawngaw. Nasaan na kayo? May kasama pa ba ako? Lolo, lola. Magpakita kayo!
                Unti-unting nag-iinit ang aking mga mata. Sumunod ang pangingilid ng aking mga luha. Diyos ko! Nasaan nab a ako? Umiikot ang aking ulo sa pagkalito.
                Bigla akong kinain ng dilim, naglaho lahat ng nasa paligid ko. Nais kong sumigaw. Pero ni isang tinig ay walang lumalabas sa aking bibig. May naaaninag akong liwanag. Maliit subalit kayrikit, pumikit ako at nagulat.
                Nagising ako sa lambot ng aking unan na nasa gilid ng kama. Sa aking harap, kama niya pala ay nakalahad. Nakita ko ang maamo niyang matang nakatitig sa akin. Nasa loob pala kami ng silid na kayputi. Oo, nasa ospital ako. Kasama ang aking lola, at binabantayan ko siya.
                Nagkaroon siya ng matinding stroke at nalimutan na niya ang mga kahapon. Iniwan na niya kami ng kanyang diwa. At siya na lamang ang nadito at nag-iisa.
                Marahil hindi niya kami nilisan subalit sa aking puso ay para na rin akong naiwang mag-isa.Ang aking lola na ang nagging kumot ko sa gabing malamig. Siya ang nagpayabong sa aking pagkatao. Siya ang nagpakahirap na mag-aruga sa akin. Siya ang nagsilbing init sa aking buhay at pumuno ng ngiti sa aking labi.
                Kaya, tunay na masakit sa akin ang kanyang sinapit. Kaya ako ngayon ay tila tipak na yelo sa disyerto. Nanlalamig sa mainit na paligid.

LARAWAN ni Maricon G. Luna


             
                 Masayang tawanan, habulan at takbuhan ang aking natatanaw sa labas ng bintana. Masiglang ngiti sa labi ng mga batang nagtatakbuhan. May isang naglalakad na bata na mapapansin mong umiiyak at sugatan ang mga tuhod. Lalapitan siya ng kanyang mga kalaro at yayayain upang makilahok. Masaya ang batang babae sapagkata sa tingin niya ay may mga bagong kaibigan siyang muli.
                Bago umuwi ang mga naglalaro ay nagtungo sila sa isang photo shop na nasa gilid lamang ng bahay. Nagpakuha sila ng litrato at ang bawat bata ay may kanya-kanyang larawan.
                Habang ako’y masayang nakangiti sa panonood sa kanila, unti-unting naglalaho ang mga bata sa aking paningin. Mga tawanan na lamang ang naririnig. Ngunit sa kabila noon, muli kong nakita ang batang umiiyak. Nag-iisa at malungkot.Hawak ang larawan ng kanyang mga kalaro. Ano ang nangyayari? Bakit mag-isa na lamang ang batang iyon? Muli, tinitigan ko ang bata sa labas ng bintana. Tama! Hindi ako nagkakamali. Kamukha ko ang batang iyon. Ako ang batang umiiyak. Muling nawala ang imahe ng bata sa aking paningin.
                Tumulo ang aking mga luha. Isang magandang alaala iyon sa akin. Bagamat iniwan ako ng aking mga kalaro at nagtungo sa ibang lugar upang doon na manirahan, ang mga larawan ay nananatili sa aking piling. Ito ang nagbibigay sa akin ng saya sa oras na mararamdaman ko ang lungkot ng kanilang paglisan.

PAG-IBIS NG KAHAPON ni Shenna Bang-asan


                Ang hampas ng dalampasigan ay tila humahaliksa aking pisngi.  Malamig.
Ang kapaligirang buhay na buhay sa ilalim ng araw ngunit nagsisilbing patay naman kapag sumasapit na ang takipsilim.
                Ang nakabibinging katahimikan ang bumabalot sa buong kapaligiran. Tila ang buong lugar ay nakikisalo sa aking panimdim. Kahali-halina sa paningin ang tanawin ngunit hindi ko na ito napansin. Kalungkutan ang pagkasabik ang aking nadarama.
                Parang kahapon lang ang saya-saya ng aking puso. Halos liparin ako sa tuwa ng maramdaman kong hindi ako nag-iisa. Ang aking hilig sa musika, larong kinagigiliwan at kilos na sa mata ng iba’y wirdong tignan ay nakita ko sa ibang personalidad. Oo, sa ibang tao.
                Di mapagsidlan ang aking sayang nadarama.Bawat araw ay punung-punong sigla. May dahilan pa ba para ako’y malungkot? Wala na. Basta’t…
                Subalit ang kahapo’y mabilis na lumipas. Hayan na si gabi at maya-maya pa si araw. Ang umaga.Tulad ng isang bulaklak na nalanta, mabilis ding nawawala ang magagandang alaala. Asan ka na? Wala na siya. Tinangay ng hangin at nawalang bigla saking paningin. Akala ko’y di na magtatapos, nagkamali pala ako.
                Sa aking pag-iisa nag-isip ng malalim, aking naalala. Matagal na pala ang panahong lumipas simula nang ika’y umalis. Matagal na palang dinala ang masasayang alaala. Wala ka na pero nandito pa rin ako.
                Ako’y nakaupo ngayon sa ating paboritong pasyalan. Kung saan nagsimula ang mabuting pagsasamahan. Salamat kaibigan, di kita malilimutan.Salamat sa lagaslas ng tawanan at makabuluhang kwentuhan. 

DA BEST AWTPUT NG IKAAPAT NA MUNDO

NARITO NA ANG DA BEST AWTPUT NINYO. LUBHA NINYO AKONG PINAHANGA TALAGA!
JOY LOMA
DESSIRE MAY BAGALANON


JERICO JIMENEZ
MARICAR LUNA

         
REYMOND ANGUE
CLAIRE GARCIA

 
JAN LUKE ALLIE BAYANI
SHEENA AE TAGABE



JOANNA ME FORTIZ
RONDOLF REMOTO



JHAEZEL MAE BEROY
RICHELLE FABIC






BINABATI KO KAYO. KIP AP DA GUD WORK









Biyernes, Hulyo 13, 2012

HANGGANG SAAN...KAARAPATAN? ni Jessica Morgado

Tayo'y tumingin sa paligid
sSa likod, sa harap at sa gilid
May mga taong sadyang naaapi
Mahirap isipin ngunit nangyayari

Mga Pilipino ng bagong henerasyon
Itinutuon ang isip sa masamang layon
Utos dito, utos doon
Wala na nga bang pag-asang makabangon?

Tayo'y pantay-pantay sa harap niya
Tao ka, tao ako, nilalang lamang niya
Henerasyon ngayon, pataasan pa nga
Ugalii'y ganyan, bukas ikaw na

Mahirap man o mayaan
Walang payabangan
Magtulungan, bansa'y pumayapa
At nang balang araw mundo'y magkaisa

Magsikap, gumawa sa layong dakila
Mahalin ang kapwa, ikarangal ang isa't isa
Sarili'y tulungan, lalo ang maralita
Mabuting mithiiin aing ibandila

MAHIRAP BERSUS MAYAMAN ni Jerico Jimenez


WALA NA NGA BANG PAG-ASA ANG MUNDONG ITO?
HINDI NA BA USO ANG PAGKAKAPANTAY-PANTAY DITO?
MAY MABANGO'T MABAHO, SABI NGA'Y TANGA'T BOBO
KAILANGAN BANG MAY LALAMANG AT MATATALO?

ANG MAYAMAN PAG GUTOM, LALAMON NG LALAMON
PAG ANG MAHIRAP NAGUTOM, TIIS, TITIG, NGANGA, PARNG DAMO KUN
PAG ANG MAYAMAN PUMAYAT, DIET DAW YUN
ANG MAHIRAP PAG NANGANGAYAYAT, WALA TALAGANG MALAMON

SA ABUGADO ANG ANGAT KUNG MAKABAYAD AY WAGAS
NAHUHUTHUTAAN PA ANG HUES DE PAUPAS
KAYA KORTE NGAYON, HMALA NANG MAGING PATAS
KASI BANG MAHIRAP PATI SA KARAPATAN SALAT

ANG MAYAMAN NAKA SKECHER, ANG MAHIRAP NAKASKETCHER
PERO BATA'T GURO SA PUBLIC, TALAGANG MAS BETTER
ANG POOR NGA ITABI MO SA NYEH MASASABIN MONG PRETTIER
NAKABELO LANG SI MAYAMAN, KAYA SKIN AY BETTER

KAYA NGA MAHIHIRAP IPAGLABAN ANG KARAPATAN
GAMITIN NATIN ANG TALINONG SA PAARALA'Y NAKAMTAN
UPANG ANG MUNDO AY MAGKAROON NG KAPANTAYAN
PG EVERYDAY HAPPY, WALA PANG LAMANGAN.


KAPWA LAMANG SILA ni Claire Garcia

SA KALAWAKANG KAPWA NATING TINATAPAKAN
TAO NGAYO'Y LIKAS NANG NAGKAKAINTINDIHAN
DISKRIMINASYON AGAD NILANG INIIWASAN
UPANG HINDI NA HUMANTONG SA ALITAN

MAYAMAN KA MAN O MAHIRAP
KAPWA PA RING NAGSISIKAP
WALANG MAYAMAN NA HINDI NAGMULA SA HIRAP
WALA RIN NAMANG MAHIRAP NA DI NAGSIKAP

SA PANAHON NG KASALATAN
O MAGING KAGINHAWAAN
SINO PA BANG MAGTUTULUNGAN?
HINDI BA'T TAYO RING MULAT SA HIRAP

BAKIT PA BA LAHAT SA ATIN AY NAGTATALO
HINDI HAMAK NA ISA LAMANG TAYONG TAO
PANG-AABUSO AY KAILANGAN NG ISUKO
PAGMAMAHALA'T PAGBIBIGAYAN ANG LAGING ISAPUSO

ANG NAGDARAHOP NA PUSO NG MGA NILALANG
O BIGYAN NAMAN SANA NG KAUNTING PAGGALANG
ANG HIRAP NA PAGTANGIS NG PUSONG LUHAAN
ATING MATA'Y IMULAT SA TAMA AT HINDI KAPUSUKAN.

NALIWANAGAN ni Claire Garcia

     Sa kalagitnaan ng aking pg-iisa, hindi ko na mawari kung may pagkakaiba pa ba ang mali sa tama. Habang pinapakingggan ko ang mabilis na takbo ng kamay ng mumunting orasan, tila ba ang mundo ay nakikihati na rin sa saliw ng aking kalungkutan. Tanging bulong ng Inang Kalikasan ang nagsisilbing tinig sa malungkot na buhay. Ako'y litung-lito at umaasa na lang sa kawalan.
     Ngunit isang araw, pinukaw ng tadhana ang aking atensyon. Dinala niya ako sa isang lugar kung saan naramdaman ko ang salitang kapayapaan. Lahat ng katanungan sa aking isipan, nagsimula na silang magkulitan. Para bang isang kalapati ang animo'y bumaba buhat sa kalangitan at sinabing ang kalingang matagal ko ng inaasam ay nandito na sa aking harapan. Halos walang pagsidlan ang tuwa na aking nararamdaman. Hindi tumitigil ang luha mula sa aking mga mata na akala mo'y ulan na hindi na titila.
     Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa lugar na kung tawagin ay simbahan. Lahat ng aking nakakasalamuha ay ipinapaintindi sa akin kung bakit ako nakaramdam ng pagtangis noong mga panahon na ako'y nag-iisa. Binigyan niya ako ng mga salitang galing sa Bibliya. Pakiramdam ko'y biglang natanggal ang tinik sa aking lalamunan. Ako'y nahimasmasan ngunit patuloy pa rin ang katanungan sa munting isipan.
     Ngayon alam ko na. Salamat sa mga taong nagbigay kalinga noong mga panahong malapit ko ng makilala ang kabiguan. Ang dahilan ng aking paag-iisa ay isa lamang pagsubok at hindi parusa. Kung dati'y ang puso ay nagungulila sa pag-aalaga at pagkaunawa, ngayon nama'y bumabalik na ako sa panahong nakilala ko sila. Hindi ko makakalimutan ang una hanggang ikatlo ng Abril. Dahil dito ko unang nahanap ang tunay na pag-aliw sa Diyos na Dakila.

DI PATAS NA HATOL: SALUDO O DISMAYADO? ni Sheena Mae Tagabe

   
     Nabulabog ng "Pacquiao-Bradley" fight aang buong mundo matapos ianunsyo ang pagkapanalo ni Timothy Bradley sa laban na nahantong sa split decision. Nabigong madepensahan ng "Pambansang Kamao" ang kanyang titulo at ang kanyang pagiging "8th Division World Title Holder".
     Dahil sa naging resulta, hindi lamang ang mga Pacquiao fans kundi ang buong mundo ang nadismaya. Marami ang nagtataka sa naging resulta samantalang lamang si Pacquiao, 9 na puntos kay Bradley, 3 puntos, sa bawat round.
     Hindi maitatangging maganda ang ipinakita ni Bradley sa naging laban ngunit mas magaling pa rin ang ipinakita ng ating kampyeon. Usap-usapan ngayon ang pandaraya ng kampo ni Bradley na hinihinalang kasabwat ang dalawang huradong pumabor sa kanya.
     Nakapanghihinayang para sa isang "8th Division World Title" na mawalan ng isang titulo. Marami ang nadismaya at nalungkot. May mga nagsasabing naluto ang laban. Maraming naging kuru-kuro ukol sa laban na umabot pa sa imbestigasyon dahil sa umanoy naging dayaan.
     Sa kabila ng pagkadismaya, marami pa rin ang sumasaludo kay Pacquiao dahil sa kabila ng pagkatalo, maluwag niyang tinanggap ang resulta ng laban. Para sa mga pinoy, si Pacquiao pa rin ang panalo.

Huwebes, Hulyo 12, 2012

ALAALANG DI-MALILIMUTAN ni Dessire May Bagalanon

     Maraming bagay sa mundong ito ang maaaring magbigay sa atin ng saya. Ilan dito ang mga alaalang di kailanman mabubura sa ating mga isipan dahil kakaiba ang hatid nitong saya sa damdamin at ito rin ang maituturing nating kayamanan sa ating buhay na siyang naghahatid ng kabuluhan, kahulugan at kulay sa ating buhay.


     Ang alaala ng pagkabata ay masasabing hinding-hindi malilimutan ng bawat isa sa atin dahil kung iisipin, noong tayo’y mga bata pa lamang ay para bang walang katapusan ang kasiyahang hatid ng paglalaro at ni hindi man lang tayo nakakaisip ng anumang problema.
Ang aking Teddy

     Iba ang hatid sa aking damdamin kapag ako’y nakakakita ng teddybear, napakahilig ko noong maglaro kaya naman naisip kong magpabili ng teddy bear sa aking mga magulang at ito ang pinakauna kong laruan. Nagsilbi itong napakagandang alaala sa akin dahil dala-dala ko lagi ang laruang ito saan man ako magpunta kasa-kasama ang aking mga kaibigan.

       Napakaraming pagsubok ang naranasan ko habang kasa-kasama ko ang laruan kong ito. Para ko na syang kapatid. Kahit na inaaway ako ng mga kalaro ko, ayos lang dahil dala-dala ko naman ang teddy bear ko. Sa panahong wala ang aking ama’t ina, lagi ko silang naalala sa pamamagitan ng pagyakap sa laruan ko at para ko na ring dama ang init ng yakap sa akin ng aking mga magulang at ikinagagalak ko na hanggang ngayon ay kapiling ko pa rin siya at nagsisilbing alaala sa akin ng mga pangyayari sa pagkabata.

                Iba-iba man ang alaalang baon natin sa ating mga isipan, iisa pa rin ang hatid nito sa atin na ang maranasan ang pagiging isang bata ay isa sa pinakamalaking kasayahan at nagpapaalala na ang mga bata ay naglalaro lamang ni walang iniintinding problema at siggurado akong maasasabi ninyo sa sarili na “Ang sarap maging bata.” 

Miyerkules, Hulyo 11, 2012

Comment allez-vous ? IV-MUNDO

Bienvenue!
Oso Oseyo!
Chao Mung!
Bun Venit!
Welcome!
Mabuhay!

Mga katoto, nag-iimprove na talaga tayo. Kung dati'y puro tsismisan lang sa kanto, ngayo'y moderno na. Hi-tech 'ika nga. Oo nga pala, ako ang inyong bagong dabarkads, maginoo pero medyo ..... hoy!! mali kayo ng iniisip! maginoo pero medyo palautos. Tandaan ang mga panuto ni kumpareng Doro:
Una: Magsign-up dito sa blog na to!
Ikalawa: Magbasa ng mabuti upang di maging ignorante!
Ikatlo: Mag-comment sa blogs na mababasa nyo! (Mor komento, dagdag grado, gawing interaktibo ang site na to)
Ikaapat: Ugaliing bumisita sa blog na to upang di mawala sa IV-MUNDO!
Ikalima: Basahin mo ulit sa umpisa....(Pag hindi ginawa, lagot kay ser Buella. hahaha!)

Yan lang po mga katoto. Basta, ingatan ang blog natin at gawing kapaki-pakinabang. Ilabas ang damdamin, opinyon, komento, violent reaction (Naku! Sana wala namang ganun!)

Yehey! Gudlak po.



Gumagalang;

Ang butihing Tagapayo
Ng Ang Bagong Siglo

G. HERNANE. BUELLA
Gwapo no!Hehe! Wag na mag-reak!