Biyernes, Hulyo 13, 2012

DI PATAS NA HATOL: SALUDO O DISMAYADO? ni Sheena Mae Tagabe

   
     Nabulabog ng "Pacquiao-Bradley" fight aang buong mundo matapos ianunsyo ang pagkapanalo ni Timothy Bradley sa laban na nahantong sa split decision. Nabigong madepensahan ng "Pambansang Kamao" ang kanyang titulo at ang kanyang pagiging "8th Division World Title Holder".
     Dahil sa naging resulta, hindi lamang ang mga Pacquiao fans kundi ang buong mundo ang nadismaya. Marami ang nagtataka sa naging resulta samantalang lamang si Pacquiao, 9 na puntos kay Bradley, 3 puntos, sa bawat round.
     Hindi maitatangging maganda ang ipinakita ni Bradley sa naging laban ngunit mas magaling pa rin ang ipinakita ng ating kampyeon. Usap-usapan ngayon ang pandaraya ng kampo ni Bradley na hinihinalang kasabwat ang dalawang huradong pumabor sa kanya.
     Nakapanghihinayang para sa isang "8th Division World Title" na mawalan ng isang titulo. Marami ang nadismaya at nalungkot. May mga nagsasabing naluto ang laban. Maraming naging kuru-kuro ukol sa laban na umabot pa sa imbestigasyon dahil sa umanoy naging dayaan.
     Sa kabila ng pagkadismaya, marami pa rin ang sumasaludo kay Pacquiao dahil sa kabila ng pagkatalo, maluwag niyang tinanggap ang resulta ng laban. Para sa mga pinoy, si Pacquiao pa rin ang panalo.

6 (na) komento:

  1. Maraming nakagawa ng magagandang editoryal subalit ito ang napili konhg i-post dahil simple pero may dating. Magaling Sheena!

    TumugonBurahin
  2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  3. Ang Galing naman Ni Sheen. nkakahiya naman pala sa akin. HAHAHA! Kayo na Magaling. XD :) Wala man lang ba yung akin? HAHAHA!

    TumugonBurahin
  4. HAHAHA. Grabe makapag-suggest si Jemuel o. Admin agad-agad? XD

    TumugonBurahin
  5. ganon talaga!!!! mai ipopost kc ako eh..

    TumugonBurahin
  6. ohhh magling magaling magaling!! tlaga ikaw na!! hahaha :D

    TumugonBurahin