Ang alaala
ng pagkabata ay masasabing hinding-hindi malilimutan ng bawat isa sa atin dahil
kung iisipin, noong tayo’y mga bata pa lamang ay para bang walang katapusan ang
kasiyahang hatid ng paglalaro at ni hindi man lang tayo nakakaisip ng anumang
problema.
Ang aking Teddy |
Iba ang hatid sa aking damdamin kapag ako’y nakakakita ng teddybear,
napakahilig ko noong maglaro kaya naman naisip kong magpabili ng teddy bear sa
aking mga magulang at ito ang pinakauna kong laruan. Nagsilbi itong
napakagandang alaala sa akin dahil dala-dala ko lagi ang laruang ito saan man
ako magpunta kasa-kasama ang aking mga kaibigan.
Napakaraming
pagsubok ang naranasan ko habang kasa-kasama ko ang laruan kong ito. Para ko na
syang kapatid. Kahit na inaaway ako ng mga kalaro ko, ayos lang dahil dala-dala
ko naman ang teddy bear ko. Sa panahong wala ang aking ama’t ina, lagi ko
silang naalala sa pamamagitan ng pagyakap sa laruan ko at para ko na ring dama
ang init ng yakap sa akin ng aking mga magulang at ikinagagalak ko na hanggang
ngayon ay kapiling ko pa rin siya at nagsisilbing alaala sa akin ng mga
pangyayari sa pagkabata.
Maganda ang umpisa at natuwa ako sa kasimplehan ng iyong kabataan. Very good
TumugonBurahin