Lunes, Hulyo 16, 2012

PAG-IBIS NG KAHAPON ni Shenna Bang-asan


                Ang hampas ng dalampasigan ay tila humahaliksa aking pisngi.  Malamig.
Ang kapaligirang buhay na buhay sa ilalim ng araw ngunit nagsisilbing patay naman kapag sumasapit na ang takipsilim.
                Ang nakabibinging katahimikan ang bumabalot sa buong kapaligiran. Tila ang buong lugar ay nakikisalo sa aking panimdim. Kahali-halina sa paningin ang tanawin ngunit hindi ko na ito napansin. Kalungkutan ang pagkasabik ang aking nadarama.
                Parang kahapon lang ang saya-saya ng aking puso. Halos liparin ako sa tuwa ng maramdaman kong hindi ako nag-iisa. Ang aking hilig sa musika, larong kinagigiliwan at kilos na sa mata ng iba’y wirdong tignan ay nakita ko sa ibang personalidad. Oo, sa ibang tao.
                Di mapagsidlan ang aking sayang nadarama.Bawat araw ay punung-punong sigla. May dahilan pa ba para ako’y malungkot? Wala na. Basta’t…
                Subalit ang kahapo’y mabilis na lumipas. Hayan na si gabi at maya-maya pa si araw. Ang umaga.Tulad ng isang bulaklak na nalanta, mabilis ding nawawala ang magagandang alaala. Asan ka na? Wala na siya. Tinangay ng hangin at nawalang bigla saking paningin. Akala ko’y di na magtatapos, nagkamali pala ako.
                Sa aking pag-iisa nag-isip ng malalim, aking naalala. Matagal na pala ang panahong lumipas simula nang ika’y umalis. Matagal na palang dinala ang masasayang alaala. Wala ka na pero nandito pa rin ako.
                Ako’y nakaupo ngayon sa ating paboritong pasyalan. Kung saan nagsimula ang mabuting pagsasamahan. Salamat kaibigan, di kita malilimutan.Salamat sa lagaslas ng tawanan at makabuluhang kwentuhan. 

6 (na) komento:

  1. Magaling kang maglaro ng mga salita. Sana magawa mo yan sa laban natin sa DSPC sa English Feature. Congrats.

    TumugonBurahin
  2. ang galing ni sheena!! :D prang na-iimagine ko ung ginawa ni sheena sa picture

    TumugonBurahin
  3. Wagas! OMG! XD- Guuuuddddluccck :'*

    TumugonBurahin
  4. ang galing..
    nararamdaman ng nagbabasa kung anu ang nais ipahiwatig ng sanaysay

    TumugonBurahin