Ngunit isang araw, pinukaw ng tadhana ang aking atensyon. Dinala niya ako sa isang lugar kung saan naramdaman ko ang salitang kapayapaan. Lahat ng katanungan sa aking isipan, nagsimula na silang magkulitan. Para bang isang kalapati ang animo'y bumaba buhat sa kalangitan at sinabing ang kalingang matagal ko ng inaasam ay nandito na sa aking harapan. Halos walang pagsidlan ang tuwa na aking nararamdaman. Hindi tumitigil ang luha mula sa aking mga mata na akala mo'y ulan na hindi na titila.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa lugar na kung tawagin ay simbahan. Lahat ng aking nakakasalamuha ay ipinapaintindi sa akin kung bakit ako nakaramdam ng pagtangis noong mga panahon na ako'y nag-iisa. Binigyan niya ako ng mga salitang galing sa Bibliya. Pakiramdam ko'y biglang natanggal ang tinik sa aking lalamunan. Ako'y nahimasmasan ngunit patuloy pa rin ang katanungan sa munting isipan.
Ngayon alam ko na. Salamat sa mga taong nagbigay kalinga noong mga panahong malapit ko ng makilala ang kabiguan. Ang dahilan ng aking paag-iisa ay isa lamang pagsubok at hindi parusa. Kung dati'y ang puso ay nagungulila sa pag-aalaga at pagkaunawa, ngayon nama'y bumabalik na ako sa panahong nakilala ko sila. Hindi ko makakalimutan ang una hanggang ikatlo ng Abril. Dahil dito ko unang nahanap ang tunay na pag-aliw sa Diyos na Dakila.
Isang lathalain na pinahanga ako dahil mararamdama mo ang nais ipahiwatig habang ito ay binabasa. Saka tumpak ang istilo para sa isang lathalain. Good work Claire! Kudos!
TumugonBurahinGrabee.. Ang ganda nga. Ang saya basahin, sobrang hiwaga ng nilalaman. HOHO. Good Job Claire, galing mo te ' :)
TumugonBurahinang gling nio nman gumawa ng sulatin di-pormal...navi-visual ko ung gnawa ni claire sa picture. :D
TumugonBurahinnice..ooooh,espren koooo yan..hahaha
TumugonBurahinhehe ... salamat po. :)
TumugonBurahinbait nang bestfriend koooooo.. :)
TumugonBurahin