Lunes, Hulyo 16, 2012

TIPAK NG YELO SA DISYERTO ni Jayson Gerald Abrencillo


                Narito na. Nararamdaman ko na ang ihip niya. Ang malamig na hangin ay unti-unting gumagapang at yumayakap sa aking katawan. Umaga na ba? Oo, alam kong umaga na. Ngunit nasaan ka? Gusto kong bumangon upang hanapin ka. Pero bakit ako nanghihina? Hindi ako makagalaw at tila ang katawan ko’y pagod na pagod pa.
                Bumuwelo ako. Umupo at akmang tatayo. Wala akong naririnig, ni yabag ay wala akong maulinigan. Nabibingi nab a ako?
                Nabibingi ako sa katahimikan. Tinig at yabag ko lamang ang umaalingawngaw. Nasaan na kayo? May kasama pa ba ako? Lolo, lola. Magpakita kayo!
                Unti-unting nag-iinit ang aking mga mata. Sumunod ang pangingilid ng aking mga luha. Diyos ko! Nasaan nab a ako? Umiikot ang aking ulo sa pagkalito.
                Bigla akong kinain ng dilim, naglaho lahat ng nasa paligid ko. Nais kong sumigaw. Pero ni isang tinig ay walang lumalabas sa aking bibig. May naaaninag akong liwanag. Maliit subalit kayrikit, pumikit ako at nagulat.
                Nagising ako sa lambot ng aking unan na nasa gilid ng kama. Sa aking harap, kama niya pala ay nakalahad. Nakita ko ang maamo niyang matang nakatitig sa akin. Nasa loob pala kami ng silid na kayputi. Oo, nasa ospital ako. Kasama ang aking lola, at binabantayan ko siya.
                Nagkaroon siya ng matinding stroke at nalimutan na niya ang mga kahapon. Iniwan na niya kami ng kanyang diwa. At siya na lamang ang nadito at nag-iisa.
                Marahil hindi niya kami nilisan subalit sa aking puso ay para na rin akong naiwang mag-isa.Ang aking lola na ang nagging kumot ko sa gabing malamig. Siya ang nagpayabong sa aking pagkatao. Siya ang nagpakahirap na mag-aruga sa akin. Siya ang nagsilbing init sa aking buhay at pumuno ng ngiti sa aking labi.
                Kaya, tunay na masakit sa akin ang kanyang sinapit. Kaya ako ngayon ay tila tipak na yelo sa disyerto. Nanlalamig sa mainit na paligid.

9 (na) komento:

  1. grabe....kaiyak nman?
    haha...
    mas masakit talaga kapag puso ang lumimot sa yo...
    wew

    TumugonBurahin
  2. nakakalungkot nman nian jayson!!! ndi ko manlang naisip ung mga salita na (maulinigan,umaalingawngaw,tipak ng yelo sa disyerto at yabag))hahah :D

    TumugonBurahin
  3. haha..ganun ba..jim..kaya mo yan next time

    TumugonBurahin
  4. Grabe uh. Bet ko yung title mo :) Ang galing. Bilib nko nyan. XD

    TumugonBurahin
  5. wooooooow !! ikaw na !galing nmn !:)

    TumugonBurahin